Sinisinta Kita


Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

Kung ang sinta’y ulilahin
sino pa kayang tatawagin
Kung hindi si Neneng kong giliw
Naku kay layo sa piling

Malayo man malapit din
Pilit ko ring mararating
Huwag lamang masabi mong
Di kita ginigiliw

Ginigiliw kitang tunay
Alaala gabi’t araw
Pag di na natatanaw
Puso ko’y nalulumbay

Sinisinta kita,
di ka kumikibo,
akala mo yata,
ako’y nagbibiro;
saksi ko ang langit,
sampu ng kanduro,
kundi kita sinta,
puputok ang puso.

Sinisinta kita
ng sintang patnubay,
patnubay na sintang
walang katapusan;
madurog ang bato,
magbangon ang bangkay,
walang ibang sinta,
kundi lamang.