Pananaliksik or Research

Ano ang kahulugan ng pananaliksik?

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan. Continue reading “Pananaliksik or Research”