God said I made a man

God said, “I made a man
Out of clay—
But so bright he, he spun
Himself to brightest Day

Till he was all shining gold,
And oh,
He was lovely to behold!
But in his hands held he a bow

Aimed at me who created
Him. And I said,
‘Wouldst murder me
Who am thy Fountainhead! ‘

Then spoke he the man of gold:
‘I will not
Murder thee! I do but
Measure thee. Hold

Thy peace.’ And this I did.
But I was curious
Of this so regal head.
‘Give thy name! ‘—‘Sir! Genius.'”


(Published in Have Come Am Here 1942)

Jose Garcia Villa

Jose Garcia Villa used the penname Doveglion (derived from “Dove, Eagle, Lion”), based on the characters he derived from himself. These animals were also explored by another poet E. E. Cummings in Doveglion, Adventures in Value, a poem dedicated to Villa.

Sa Loob at Labas ng Bayan kong Sawi

Francisco Baltazar (Mula sa Florante at Laura)

Sa loob at labas ng bayan kong sawi
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

Ang magandang asal ay ipinupukol
Sa laot ng dagat ng dusa’t linggatong
Baling magagaling ay ibinabaon
At inililibing nang walang kabaong.

Nguni ay ang lilo’t masasamang loob
Sa trono ng puri ay iniluluklok
At sa baling sukab na may asal-hayop
Mabangong ins’yenso ang isinisuob.

Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo
At ang kabaota’y kimi’t nakayuko
Santong katuwira’y lugami at hapo
Ang luha na lamang ang pinatutubo.

At ang baling bibig na binubukalan
Ng sabing magaling at katotohanan
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.

O taksil na pita sa yama’t mataas!
O hangad sa puring hanging lumilipas!
Ikaw ang dahilan
ng kasamang lahat
Niyaring nasapit
na kahabag-habag.

“Ampalaya (Ang Filipinas 50 Taon Makatapos ng Bagong Milenyo)” ni Reuel Molina Aguila

Sipi mula sa
“Ampalaya (Ang Filipinas 50 Taon Makatapos ng Bagong Milenyo)”
ni Reuel Molina Aguila

Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan,
kailangang buklatin ang aklat ng kaniyang kahapon.
At dahil diyan ay inuulit namin at uulitin kailanman, na,
samantalang may panahon ay lalong mabuting pangunahan
ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una’y
umaakit ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay
umaakit ng pagpapawalang-halaga at ng poot.

Corrido nang Pacicipagsapalaran nang Dilaw na Lapis na Pudpod na at Cinailangang Gamitan nang Azul na Pang Tasang Cinacalawang na

Mabuting Ama sa Langit
Tibayan ang aking dibdib
Nang aking maipabatid
Ang tadhana nitong lapis
At sa mga nanonood
Tatagan ang inyong loob
Kundi, puso’y mapupudpod
At malulungkot nang lubos…
….
…Ay, dahil napakapurol
Bawat tasa’y napuputol;
Iisang lapis kong baon
Walang imik, ni panaghoy…

Ancient Filipino Riddles about Animals

1. Ania iti pinarsua iti Dios a balin suec a maturog?
(Iloc.)

Panniqui

What thing that God made sleeps with its head down?

Bat

2. Pantas ca man, at marunong bumasa at sumulat, aling ibon dito sa mundo ang lumilipad ay sumususo ang anak?

(Tag.) Kabag Continue reading “Ancient Filipino Riddles about Animals”

PANULAT

ni Benigno R. Ramos
1930

Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit
kundi sa paghamak sa Bayang may hapis,
manong mabakli ka’t ang taglay mong tulis
ay bulagin ako’t sugatan ang dibdib.

Kung dahil sa iyo’y aking tutulungan
ang nagsisilait sa dangal ng Bayan,
manong mawala ka sa kinalalagyan,
at nang di na kita magawang pumaslang!…
Continue reading “PANULAT”

PAKPAK

ni Jose Corazon de Jesus
1928

Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa
at ako’y lilipad hanggang kay Bathala…
Maiisipan ko’y mga malikmatang
sukat ikalugod ng tao sa lupa;
malikikha ko rin ang mga hiwaga,
sa buhay ng tao’y magiging biyaya.

Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak
kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat?
Ano ba ang kamay ng taong namulat
kundi siyang pakpak ng kanyang panghawak?
Ano ba ang dahon ng mga bulaklak
kung hindi pakpak din panakip ng dilag? Continue reading “PAKPAK”

PAG-IBIG

ni Jose Corazon de Jesus
1926

Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo! Continue reading “PAG-IBIG”

BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
Continue reading “BAYAN KO”

Man Upon the Cross by Conrado V Pedrocha

Upon the cross against the hills of the night
They nailed the man, and while
they speared his breast they made him drink the bile.

He bore the pains alone, alone
But in the hallowed darkness saw
Sweet Mary’s face upturned in grief below.
Continue reading “Man Upon the Cross by Conrado V Pedrocha”