Ang Kaligayahan ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa iyong paligid?”
Continue reading “Ang Kaligayahan ng Damo”

Ang Kwento ng Bayaning si Francisco Dagohoy

Dagohoy-2Narinig mo na ba ang pangalang Gat Francisco Dagohoy? Marahil ay hindi pa. Si Gat Francisco Dagohoy ay isa sa mga bayaning hindi lubhang pamilyar sa mga bata. Ang kanyang kagitingan ay kinikilala lalong-lalo na ng mga taga-Bohol. Si Dagohoy ay tubong Boholano.

Ang pinakamahabang pang-aaklas laban sa mga Kastila ay naganap sa Bohol sa ilalim ng pamunuan ni Gat Francisco Dagohoy. Ang dahilan ng paglaban ni Francisco Dagohoy sa kapangyarihan ng mga kastila ay ang kanyang kapatid.

Ang kanyang kapatid ay isang konstable ng pamahalaan ng Kastila. Ang konstable ay tumutupad ng mga tungkulin ng pulis. Ang konstableng ito ay nakipaghamok sa isang lalaki. Sa kasawiang-palad siya ay namatay. Continue reading “Ang Kwento ng Bayaning si Francisco Dagohoy”

Walang Sugat ni Severino Reyes

WALANG SUGAT
(Ni Severino Reyes)

Walang Sugat-39-Mabuhay-LSalcedo-sf

Walang Sugat (Tanghalang Ateneo)
UNANG BAHAGI

I TAGPO
(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko Continue reading “Walang Sugat ni Severino Reyes”

ANG AMBAHAN NI AMBO

Ed Maranan

Balisang nagising si Jack, malakas ang kabog ng dibdib. Uminom siya ng isang basong tubig. Kay samang panaginip! Nagkaroon ng malaking sunog sa bundok ng Halcon, umabot sa pinakatuktok. Natupok lahat ang mga puno at damo. Paghupa ng apoy ay siya namang pagdilim ng mga ulap, na sinundan ng ilang araw na bagyo at bugso ng ulan.

Nalusaw ang lupa at bato sa bundok ng Halcon, at unti-unti itong dumausdos patungong kapatagan, tangay ang lahat ng naiwang buhay na mga tao at iba pang nilalang. Nagtatangisan ang mga Mangyan sa pagkagunaw ng kanilang daigdig – habang siya ay walang puknat ang takbo. Hindi niya malaman kung nasaan na ang kaniyang Ate Anne at mga magulang…

Umaga na pala. Pagbangon ni Jack ay dumungaw siya agad sa bintana. May tilamsik ng liwanag sa ituktok ng Halcon. Ang bundok ay parang isang tahimik na tanod, luntian at matayog. Bihira niyang makita itong walang suklob na ulap, tulad ngayon. Continue reading “ANG AMBAHAN NI AMBO”

karagatan: Inang Wika

Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon.

ANG KARAGATAN
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.)

Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di
pa nagagatungan.

Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y
makakain.

Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit
na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.

Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t
naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan?

Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.

Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng?

Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan
rin ninyo ang masusunod.

Ingkong Terong: At kayong apat?

Apat na Lalaki : Opo.

Continue reading “karagatan: Inang Wika”

Ang Karagatan

1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring
pagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan
ng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan
ng tabong may tandang puti.
11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang
sagutin ang talinghaga.

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. al

NAGING SULTAN SI PILANDOK

kuwentong -bayan ng Maranaw

Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw – si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak.” Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?” nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. “Siya pong tunay, mahal na Sultan,” ang magalang na tugon ni Pilandok. “Paanong nangyaring ikaw ay nasa Continue reading “NAGING SULTAN SI PILANDOK”

Ang Alamat

Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino bago pa dumating ang mga Español. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa.
Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang alamat.

Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Continue reading “Ang Alamat”

Mina ng Ginto

Alamat ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Continue reading “Mina ng Ginto”

Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama

ni Abegail Joy Yuson Lee
(Ikalawang Gantimpala, Carlos Palanca Memorial Awards para sa Kabataan Sanaysay)

Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip. Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong
hindi nagsasabi ng tunay na nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin kaagapay ang utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na nangyari sa ating paligid. Continue reading “Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama”