Ang Alamat Ng Pating

Ang kasabihang parang pating ka kung magpatubo ay batay sa alamat ng pating ng kuwento ng mga taga-Palawan.

Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palawenyo na kilala sa pagiging usurero. Siya si Kablan na lagi nang gusuing patubuan ang lahat ng kapitbahay na nangingisda sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinapautang, galit ng galit ang mga mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan. Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunod-sunuran sa napakatakaw na mangangalakal.

Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga pobreng mangingisda. Hindi sila maka-angal sa di makatarungang pagpapautang.
Mahusay na mahusay na kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda kung may sarili kang bangkang paghahanguhan ng mga huling isda sa karagatan. Mas malaki ang bangka mas malaki ang huli. Mas malaki ang huli mas malaki marami rin ang panindang maipapautang sa iyo ng ngingising ngising negosyante.

Isang magdadapit-hapon, habang nagpapasasa si Kablan sa marangyang sa kanyang bahay.

“O ano, tanda may problema ka ba?”
“Na‚Ķnagugutom ako. Maaari po bang makahingi ng sobra sa hapunan ninyo?”
“Aba oo,iyon lang pala,” makunot-noong sagot ni Kablan. ” Pero sa isang kondisyon, kailangang bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat ay areglado. Kung wala kang pera ay umalis ka na diyan at baka hindi ako makapagpigil sa iyo.”
“Maawa kayo,ginoo. Hindi niniyo madadala sa hukay ang yaman ninyo.”
“Aba, makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na may isda kang mahuhuli! Sige, layas!layas!” pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang matanda na napasubsub sa tarangkahan ng malaking bahay.
Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit ang nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay at magbibitak-bitak daw ang lupa sa kapaligiran. Matapos magbabala ay itinaas ng matanda ang kanyang baston. Namangha ang lahat ng magdilim ang langit at gumuhit ang matatalim na kidlat.
Sa pagpanhik ng matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang lupa. Sa matinding takot ay nagsunuran ang mga mangingisda sa di nila nakikilalang matanda.
Hindi natinag si Kablan sa loob ng kanyang tindahan. Tuwang-tuwa pa siyang humalakhak. Nakikini-kinita niya na nag paghugos ng mga mangingisda. Tiyak daw na bibili sila ng mga paninda niya. Naglalaro sa isip niya na ngayon napakalakas ng ulan lalo siyang magtataas ng presyo. Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bulto-bultong nakaimbak sa kanyang lalo pang pinalaking bodega.
Sa paghihiyang ginawa ni Kablan, gumanti ang pobreng matanda sa pagsasabing, “Tulad ng takot na itinanim mo usurero, sa lahat ng nangangailangan sa oras ng kagipitan, magiging isda ka rin na katatakutan ng lahat sa karagatan.”
Sa muling pagtaas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at tumalim ang mga kidlat.
Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas ng burol, tanaw na tanaw ng lahat na nagdududmaling lumabas si Kablan sa tindahan. Nanginginig ito sa sobrang takot. Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot siya ng rumaragasang tubig-ulan na lalong nagpalalim sa dagat-dagatan.
Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging mahabang isda na may matulis na nguso at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.
Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala itong parang bula.
Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari ng Karagatan na walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging usurero sa Palawan. Ang pating naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan.