Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan.
Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon.
Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa labanang ito siya niregaluhn ng sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya, dumaan muna siya sa isang pagsubok.
“Kunin mo ang itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtin
gala ni Solaiman nakita niya angisang lumulutang na itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso,” Di nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang braso nagulat
na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat na napilas mula sa
kaniyang katawan.
“Mula sa puntong ito Solaiman, hindi ka na magagalaw ng kahit anong sandata
pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon
siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka
makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng
sundang sa akin.”
Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa pag-ibig.
Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at kinatatakutan siya hindi lamang ng
kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga tagasunod. Sa mga kalye
pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao. Umaalingawngaw ang mga babala sa
lahat ng sulok ng kaharian, “Itago ang asawa’t mga anak na babae dahil si Solaiman ay
paparating.”
Nag-uumapaw na ang mga babae sa harem niya subalit, hindi pa rin siya tumitigil sa
pangongolekta nito. Para sa isang maharlikang tulad niya, walang dalang bigat ang naguumapaw
na babae sa kaniyang buhay. Kung may isang aalis, may tatlong darating, kung
gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang sundang, tila mas matalim ang kaniyang
mga salita pagdating sa pag-ibig.
Sa dulo ng kaniyang kaharian, may naninirahang isang mangingisda. Kasama nito ang
kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga sa kaniya.
Isang tapat na tagapaglingkod ang mangingisdang ito kay Rajah Solaiman. Subalit,
dahil sa pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng kaniyang anak, itinago niya ito sa gitna ng
gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa kaniyang anak, lalo pa ang mga
mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding hindi siya makatatanggi sa kung ano mang
sabihin ng kaniyang Rajah.
Tumira si Waling-Waling sa itaas ng isang punong lauan. Napaliligiran ito ng mga
ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang nakaaalam ng paraan upang makaakyat
dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda lamang. Pati ang mga pagbisita
niya ay planadong-planado. Sa umaga, siya’y nagdadala ng pagkain at sa gabi nama’y
sinisiguradong ligtas at maayos ang kaniyang anak.
Isang di pangkaraniwang kagandahan nga talaga itong si Waling-Waling. Singkinis
ng sutla ang kaniyang balat, singdilim ng uling ang buhok, ang kaniyang mga pisngi ay
parang dinampian ng rosas, mga matang sing tingkad ng mga alitaptap sa gitna ng dilim,
at ang kaniyang mga pilik mata’y tila mga alon sa pagkakurbada. Madali sana para sa
dalaga ang ipakasal sa kahit na sino kung isa lamang siyang dugong-maharlika. Subalit,
nagiging mahirap ang lahat dahil isa lamang siyang pangkaraniwang mamamayan.
Isang araw habang nangangaso si Solaiman sa gubat, napansin niyang may isang
tirahan sa itaas ng mga puno. Sa gitna ng mga puno, nasulyapan niya ang bahay ni
Waling-Waling. Sa kaniyang paglingon nakita nito ang isang kakaibang kagandahang
noon pa lamang niya nakita.
Napasigaw si Rajah Solaiman, “Sino ang ama mo? Sigurado akong itinatago ka
lamang niya sa akin!” Hindi sumagot sa Waling-Waling sa takot na baka kung anong
gawin ng Rajah sa kaniyang ama.
Sa kaniyang pagtulog, nanaginip ang mangingisda ng mga karimarimarim na ideya.
Nang magising ito mula sa masasamang panaginip, kumaripas siya ng takbo upang
tunguhin ang tirahan ni Waling-Waling sa gubat. Laking gulat niya nang maabutan niya
ang isang nagngingitngit na Rajah.
“Paano mo nagawang itago sa akin ang isang nilalang na singganda ng iyong anak?
Sabihin mo sa kaniyang bumaba upang makita ko siya ng mas maayos.” Utos ng Rajah sa
mangingisda. “Gawin mo ito kung ayaw mong mahati ng aking sundang.”
Sa utos ng kaniyang ama, bumaba naman si Waling-Waling. Nang umabot siya sa
kalahati ng puno, nadampian siya ng ilaw mula sa buwan na lalong nagbigay liwanag sa
kaniyang ganda. “Hindi kita papatayin,” sabi ni Solaiman sa mangingisda, “subalit, nais
ko sanang pakasalan ang iyong anak. Ipinapangako kong pakakawalan lahat ng babae sa
aking harem at siya ang gagawin kong asa…”
Bago pa man tuluyang matapos ni Solaiman ang kaniyang sasabihin at bago pa
man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan ng Rajah at ng mangingisda.
Isang liwanag ang bumalot sa buong gubat. Nakita nila ang isang imahen na papaliit
nang papaliit. Ang dating katawan ni Waling-Waling ay tila sumabit sa mga sanga ng
puno. Habang paunti-unting nawala ang liwanag tila naging mas malinaw sa dalawa
ang imahen ng isang bulaklak. Isang bulaklak na may lila’t pulang batik sa kaniyang mga
talulot.
Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan subalit, walang nagawa si Solaiman
at ang mangingisda. Pagbalik sa palasyo, inatasan niya ang mga kawal niya na kumuha ng
bulaklak ng Waling-Waling sa gubat at ipalamuti ito sa mga puno sa harapan ng palasyo.
Isang pag-alaala sa mga pag-ibig na sana’y maabot na niya.
Pp 49-53 The Legend of the Waling-Waling ni Gaudencio V. Aquino
#alamat #alamat ng waling-waling #legend of flower #legend of waling-waling #philippine literature #waling waling
Who can translate it in english or french language I need ur help thank you!!
lapa….
wara buod….
maluya pa ang nagibo…bobo
Dans un premier temps, dans un royaume situé dans une mer de Mindanao, avec un élégant et audacieux nommé Rajah Solaiman sultang. En raison de son habileté et de courage dans la guerre, il est devenu connu comme un royaume différent terribles. Croit en sa possession un poignard magique, le Lenantatyon poignard. Lui a fourni Solaiman de Bal-Lido, la déesse de la guerre.
Il lui accorda pour ses tactiques d’excellentes dans la guerre. Reconnaissants envers lui en raison de la poursuite de la défense de l’île de Mindanao Rajah. Un de la guerre impliquant la Seta Rajah guerre Tem-mun.
Il a gagné la bataille, mais cela n’a été possible avec l’aide de Bal-Lido. En combat, il niregaluhn un couteau. Mais avant de napasakaniya, il a d’abord passé un test.
«Prenez mentalement”, dit Bal-Lido. En pagtin
Gala Solaiman a vu angisang flottant mentalement. “Vous pouvez utiliser cela et coupé le bras gauche,” Non nagdalawang penser Solaiman, à la tête de la déesse, il prit l’épée et ajusté couper son propre bras. Mentalement pour frapper son bras cassé
Il a tout simplement pas de l’avis de débit sanguin cutané de napilas
son corps.
«De ce point de Solaiman, vous avez conservé toute arme
jamais. », a déclaré Bal-Lido. “Tu vas mourir seul dans ma commande, à ce moment-là
siguraduin d’abandonner le couteau que j’ai donné dans ce domaine. Si vous n’avez pas
venir, assurez-vous d’avoir une personne de confiance passe
poignard en moi. ”
Comment Solaiman kabagsik de la guerre, donc il a aussi kabagsik dans l’amour.
Grâce à cette caractéristique, haï et craint lui non seulement
Ses ennemis n’ont pas aussi de ses disciples. Sur le chemin
seul, rinig la grogne du peuple. Fait écho aux avertissements
tous les coins du royaume, «Gardez les épouses et les filles de Solaiman est
à venir. ”
Accablante que les femmes de son harem cependant, il s’arrête toujours
sa collection. Pour un homme du peuple comme lui, sans porter le poids des inondations
femme dans sa vie. Si il ya un déplacement, avec trois à venir, si
et comment il utilise son couteau, il semble moins forte
mots quand il s’agit d’amour.
A la fin de son règne, il ya résidents d’un pêcheur. Il comprend
Sa fille était à la maison s’occuper de lui.
Un serviteur fidèle aux Rajah Solaiman pêcheurs avec elle. Cependant,
en raison des inquiétudes sur les conséquences possibles de son fils, il l’a gardé dans le milieu de
forêt. S’attendant pas d’yeux makatatanaw son fils, en particulier sur le
Rajah Solaiman yeux. Il sait que je ne sera pas, il makatatanggi à tout
dire son Rajah.
Waling Waling-est resté au sommet d’un arbre lauan. Niché cette
tulipes et des plantes de la forêt. Personne ne connaît le chemin pour grimper
ici ne se souciant pas uniquement des pêcheurs. Ainsi que des visites
Il a prévu, planifié. Dans la matinée, il apporte de la nourriture et de la soirée sera également
assure la sécurité et le bien de son fils.
Une beauté inhabituelle que cela a vraiment été Waling Waling-. Singkinis
sa peau de soie, de charbon de bois singdilim gris, ses joues
semble dinampian rose, les yeux chanter luminosité de luciole dans le milieu de l’obscurité,
et ses yeux semblaient amarrer la pagkakurbada vagues. Facile à espérer, pour
causes de jeune fille de se marier à n’importe qui quand il était juste un sang royal. Cependant,
tout devient difficile, car il était juste un citoyen ordinaire.
Un jour, alors qu’il chassait dans les bois de Solaiman, il a remarqué avec une
réside au-dessus de l’arbre. Parmi les arbres, il aperçut la maison
Waling Waling-. Avec son regard détecte une grâce inhabituelle
Il a été vu juste.
Rajah Solaiman cria: «Qui est ton père? Je suis sûr que vous avez gardé
vient de me dire! “ne répond pas à jeter Jeter la peur de ce
Rajah faire à son père.
Dans son sommeil, rêver les pêcheurs de l’idée horrible.
Quand ils se réveillent de cauchemars, il a conduit la tendance à
L’objectif Waling Waling quarts de la forêt. Depassement son grand étonnement, il
indigné que Rajah.
“Comment peux-tu me garder un singganda créature de votre enfant?
Dites-lui que je suis passé le voir mieux. Rajah Command »dans
pêcheurs. “Fais-le si tu ne veux pas me séparer de mon couteau.”
À la demande de son père, a également été abandonné Waling Waling-. Quand il a atteint
à moitié plein, il nadampian la lumière de la lune pour éclairer comme
sa beauté. “Je n’ai pas tué”, a déclaré Solaiman pêcheurs », toutefois, ne
Je voudrais épouser votre fille. Je promets toutes les femmes publié
Mon harem et j’espère qu’il va faire … ”
Avant de finalement Solaiman c’est après son mot à dire et avant
l’homme était descendu Jeter Throw, le corps mal Rajah et les pêcheurs.
Une lumière a balayé la forêt. Ils ont vu une image en baisse
une diminution. L’ancien corps de Waling Waling-est apparemment pris dans les branches d’
des arbres. Alors que incrémental perdu la lumière semblait plus clairement
L’image d’une fleur. Une fleur avec lila’t taches rouges sur son
feuille.
Ils ne pouvaient croire leurs témoignages cependant, rien n’a été fait Solaiman
et les pêcheurs. De retour au palais, il ordonna à ses soldats de prendre
Waling Waling-fleur dans la forêt et il ipalamuti arbres en face du palais.
Un souvenir de l’amour qui pourraient lui parvenir.
Pp 49-53 La légende de la Waling Waling-Gaudencio par V. Aquino
here you can read now welcome